Martes, Setyembre 27, 2016

Ang pagkain ay isa sa mga pangangailangan ng tao. Para sa isang bansa na hitik sa mga natural na yaman, maraming iba't ibang pagkain ang umuusbong.Maraming ibat'-ibang klase na pagkain at isa na riyan ang mga matatamis na pagkain. Ang pagkaing matatamis ay nagbibigay sa atin ng saya at kawalan ng "stress" sa ating buhay.Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa matatamis na pagkain. Hindi lilipas ang isang araw na walang kinakaing matamis ang isang Pilipino.

Kapag tayong mga pinoy ay may pinagdiriwang agad tayong nagluluto, bumibili o nagdadala ng mga pagkaing matatamis. Katulad na lamang ng kaarawan, pasko at bagong taon hindi talaga natin maiiwasan ang mga pagkaing matatamis. Ginagawa rin nating mga pinoy na pang miryenda ang pagkaing matatamis katulad na lamang ng sorbetes. Karaniwan rin itong makikita sa mga pistahan at mga espesyal na salu-salo. Marahil, talagang bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagnanais sa mga pagkaing matatamis.

Maraming mga halimbawa ang pagkaing matatamis katulad na lamang ng panghimagas. Ang keyk, salad, manggo float at marami pang iba ay isa sa mga halimbawa ng panghimagas. Ang sorbetes, tsokolate at kendi ay isa rin sa halimbawa ng pagkaing matatamis. Halos lahat na pagkain ay may sangkap na asukal subalit may mga pagkain na binubuo talaga ng asukal.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang sobrang asukal sa pang-araw-araw na kinakain ay may masasamang epekto sa kalusugan. Maraming pag-aaral na ang nakapagsabing ang sobrang asukal ay maaaring pag-ugatan ng iba’t ibang karamdaman katulad na lamang ng
pagkasira ng ngipin, pagkasira ng atay, diabetes, pagrupok ng mga buto, kanser at pagtaas ng nakakasamang cholesterol sa katawan.

Kinakailangan pa rin ng ating katawan ang asukal subalit kinakailangan nating kontrolin an pagkain ng matatamis. Kung ang hilig na ito ay mapapabayaan, ang sarap na nararanasan ay hindi malayong mapalitan ng pait kapag nagsimula nang lumitaw ang mga sintomas ng sakit. Kaya't laging alagaanang ating sarili.

Pagkaing Matamis